Victor P. Gendrano
Ako'y naatasang pilit na pigilin
Ang mga kalaba'y huwag palampasin,
Sa bundok ng Tirad ang aking mithiin
Makalayo sana ang Heneral natin,
Sa Amerikanong nais na hulihin
Ang ulo ng bansang ayaw paalipin.
Hayo na Heneral di makalalampas
Ang kahit na sinong dito ay tatahak,
Mamamatay muna kaming lahat-lahat
Buhay ibubuwis, lakas, pagod, hirap,
Upang bansa nati'y luningning tumingkad
Sa mga dayuha'y kami'y di yayakap.
Kagabing tahimik ang mga paligid
Habang sinusulat ang laman ng isip,
May buntong-hininga sa nalayong ibig
At mga magulang matagal nang sabik
Na makaulayaw, ngunit sa hinagpis
Ang namamayani'y ang bansang pagibig.
Isip ko'y malinaw, aking nalalaman
Higit na marami sundalong kaaway,
Ang bundok na ito'y magiging libingan
Ngunit sa daigdig ipagsisigawan,
Mga Pilipino'y may likas na tapang
Di paaalipin sinumang dayuhan!
Bansang Pilipinas, bayan ng bayan ko
Buhay ko't ng aking lahat na sundalo
Ay iniaalay sa kapakanan mo't
Sa ikararangal bansang Pilipino!
(Anong kabuluhan ng buhay sa mundo
Kung walang dakilang adhikain ito?)
Brigadier General Gregorio del Pilar, nephew of the great propagandist Marcelo H. del Pilar, died at the Battle of Tirad Pass at the tender age of 24 on December 2, 1899. With the American soldiers in hot pursuit of his commander, General Emilio Aguinaldo, Del Pilar with his 60 soldiers volunteered to stay behind and defend Tirad Pass from the oncoming U. S. cavalry battalion.
On the night before he died, Del Pilar wrote the following in his diary:
"I yield to the terrible destiny that will overcome me and my brave
soldiers, but I am glad to die fighting for my beloved country."
Reprinted from Heritage Magazine, Vol. IX, No. 4, Winter 1995.
No comments:
Post a Comment